Wednesday, August 22, 2012

MYSELF


Can you tell me the difference
the old me and the new me
my high school life and my college life
SHENG


Be Yourself

Why would you want to be someone else
When you could be better by being yourself
Why pretend to be someone you are not
When you have something they haven't got

Cheating yourself of the life you have to live
Deprives others of that only which you can give
You have much more to offer by being just you
Than walking around in someone else's shoes

Trying to live the life of another is a mistake
It is a masquerade; nothing more than a fake
Be yourself and let your qualities show through
Others will love you more for being just you 

Remember that God loves you just as you are
To Him you are already a bright shining star
Family and friends will love you more too
If you spent time practicing just being you






Always Remember


Always remember to forget
The things that made you sad
But never forget to remember
The things that made you glad.

Always remember to forget
The friends that proved untrue
But never forget to remember
Those that have stuck by you.

Always remember to forget
The troubles that have passed away
But never forget to remember
The blessings that come each day


SHENG


There are at least two kinds of cowards.  One kind always lives with himself, afraid to face the world.  The other kind lives with the world, afraid to face himself.


The real me.


What everyone sees is
not really me, I will
never know what made me
believe i'm that sweet
little girl all happy
and free.


When in reality thats
just not me, but soon
you will see the real
me.


Death and desturction
all in my eyes, there
is no path, there is
no light. Only darkness
and black light kept
tight by my side.


Nothing more than a
hollawed soul ready to
burst from anger inside.
Whatever i touch turns
to darkness. I cause
the colorless rainbows
and wilted flowers
from the darkness
i carry, i wish
i could barry all
the self hate.
deep underneath my grave.


So do you still see a
sweet little girl inside
of me? all happy and
free, or do you now
see what's really me?


TRUE TO LIFE STORY (part1)

MY EVER DEAREST EXX

Ako si SHiN, limang buwan na nung sumali ako ng clan. Sa limang buwan na 'yon, nakuha kong magka-lovelife kahit sa text lang. Sa pagsali ko dito nakuha kong makisalamuha at makibagay sa mga kapwa ko bi dahil nga bi clan 'yong pinasukan ko.


July 22, 2012. Dito ko nakilala si Zyfreh. Siya na yata ang pinakaaktibo na myembro ng clan. Inaamin kong pilyo at maharot


 siya. Attitude niya daw 'yon. Sa unang araw pa lang niya, lahat ng pinapaabot niyang pangkalahatang mensahe ay puro mahaharot o kaya sekswal. Hindi ko pa inentertain nun dahil nga naiirita ako sa mga ganung mensahe. Minsan 'pag walang mapag-usapan, nata-topic ko siya sa ibang member 'yong ganung attitude niya. Ganun din daw tingin nung katext ko. Haay, kung bakit ba kasi may ganitong member na napasali, sa loob-loob ko. Then, one time nagpadaan ng GM.


"Sa sobrang sarap ng mga lalaki ngayon, tayu-tayo ay nagkakatikiman na din .. LOLOLS .. ", GM 'yan ni zyfreh.
Naimbyerna ako, "Kayo-kayo lang 'yan! Wag lahatin ..". Tapos, tuluy-tuloy na ang pambabara ko sa kanya.


July 24. Gabi 'yon. Natanong ng isa sa mga kaclose ko sa clan na "kung handa na daw akong magmahal ulit.", "kung nakakundisyon na ba ulit 'yong puso ko." Parang kilala ko kung sino na ang taong 'to ah, sagi sa isipan ko. Si Zyfreh! Tinanong ko si Deyb, "Si zyfreh ba 'to?". Hindi siya sumagot. Then nasabi kong, "'Di ba may GF 'yon, tapos may BF pa?!"Sumagot siya ng ganito, "Kaya niya daw iwan ang lahat para lang sa'yo!" Namula ako. Kinilig din. "Titignan natin!" 'yan na lang 'yong katagang binitiwan ko.


July 25. Dito na nagparamdam si Zyfreh sa Gm. Dahil sa assuming din ako, akala ko ako 'yon! Tapos 'yon nagkakaPM'an na din kami ng matagal. Afterall, nagtapat na siya na crush niya daw ako. Sinabi niya na gusto daw 'yong mga tipong palaban. Dahil ba sa lagi ko siyang binabara? Nature ko din 'yan 'pag sa mga sarcastic 'yong dating sa'kin. At the end of the day, naintindihan ko na din na hindi siya maharot!


July 26. Nagmiscall si Zyfreh! Madaling araw na din. Birthday niya kasi. Hindi ko na inangat 'yong phone dahil matutulog na din ako. NagGM kinaumagahan. Alam na niya daw 'yong gusto siyang makausap sa hindi. Nagpaliwanag din ako kung bakit hindi ko naangat 'yong telepono baka ring marining ng mga kasama ko sa bahay. Sa araw niyang 'yon, iti-treat niya daw 'yong mga pinsan niya. Nakaabala pa'ko. Ako na engot, todo greet pa hanggang pagtulog. Ewan ba! Alas-nuebe ng gabi, tumawag siya. Tatlongminuto lang. Bitin! Namiss ko tuloy 'yong boses niya. NagGM ulit siya pagkatapos ng pag-uusap namin.


"Ayon, you deserved the last three minutes call..haha. Pinasaya mo na naman ako. Sana, nasiyahan ka sa pakikipag-usap sa'kin :) at sana, nag-enjoy ka sa paos na boses ko.. Hihi. muah!"
Kinilig ulit ako. Alam kong ako 'yon. Natutuwa na lang iba 'yong feeling ko nung oras na 'yon. May sparks na! :) Naaalala ko pa nung tumawag igi-greet ko daw ng "Happy birthday!" Ginawa ko naman, sa malumanay nga lang. Natawa siya. Kinilig ata ang kumag! Hanggang sa naputol na. Nagkatext pa din kami ng hindi katagalan. Hanggang sa linamon na ng gabi ang lahat.


July 27. Tinawagan ko siya bago magtanghalian, labing-tatlo lang ang tinagal. Gusto ko lang ulit marining 'yong boses niya. Tapos kakain na daw siya kaya binababaan ko. Nagtext siya, tawag daw ako ulit kasi hindi pa naman daw luto 'yong kanin. Mamayang gabi na lang sabi ko kasi marami pa din akong gagawin. Sa totoo lang, natulog ako maghapon. Tinawagan ko nakinagabihan gaya ng pangako ko. Nag-usap usap lang sa mga bagay-bagay, then naputol na 'yong tawag. Siyam naminuto na lang kasi ang natitira. Hanggang sa magpaalam na kasi magdu-duty na. Alas-diyes kasi ng gabi ang pasok niya. Bukas na lang daw ulit kami magkakatext.


July 28. Sa bilis ng mga pangyayari. Kami na! Sobrang saya ko sa mga oras na 'yon. Tapos final interview ko pa nung hapon na 'yon at natanggap naman agad-agad bilang branch manager ng isang maliit na lending company. Proud daw siya sakin nung pagkakwento ko agad. Natuwa naman ako dahil kahit papano naappreciate niya. Dahil kami na nga lagi na akong name-mention sa GM niya. BB 'yong tawagan namin, magkaiba lang ang ibig sabihin. BeibiBoi tawag niya sakin. BebeBoi tawag ko sa kanya. Kakatuwang isipin na meron na ulit akong maipagmamalaki na wala sa iba. Si zyfreh'ng maharot. Si zyfreh'ng pilyo. Nag-iba na, napansin ko lang 'yong pagiging maalaga niya. Nakita ko 'yong totoong siya.


Hindi pa alam nun ng ibang member ng clan na ko 'yung tinatawag ni zyfreh na BB. Then, one time 'yong merong pagkacrush kay Zyfreh, tumawag saken. Gusto daw niyang malaman kung sino 'yong tinatawag niyang BB sa bawat GM niya. Sinabi kong ako. Hindi naniwala, parang rine-reverse psychology ko lang daw siya para matapos na ang tanong. Anong magagawa ko eh sa ayaw kong i-deny kahit nga sa tawag o text lang ang komunikasyon namin. Parang dama ko nasa tabi ko lang na kakwentuhan.

July 29. Mag-aalas dose na ng hapon, wala pa rin siyang text ‘yong BB ko. Siguro pagod. Umaga na kasi nung umuwi. Naiintindihan ko naman kung bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang text. Nagtext si Deyb, meron daw silang tampuhan ni Yuweh. Si Yuweh daw gusto niyang sumali sa ibang clan kesa pagtuunan ng atensyon ‘yong bf niya, tapos on-leave pa siya. Madalas din rinereklamo ni Yuweh na madaling malowbatt ‘yong phone niya dahil sa dami na ng mensaheng natatanggap araw-araw, tapos sasali ng ibang clan?! Ayun, nabigyan ko naman ng payo. Then, napag-usapan naming ni Deyb si BB. Siya kasi ‘yong nagging tulay naming ni Zyfreh. Inopen ko kasi ‘yong relasyon naming ni Zyfreh para may mapag-usapan.


Para sa kanya kasi napaka-unfair yong estado naming, ‘yon nga si Zyfreh, isang taon na at tatlong buwan na nila nung girlfriend niya, at madadalawang buwan sila nung isa pa niyang boyfriend, tapos sumali ako sa buhay niya. Pinayuhan naman niya ako kung ano ang dapat gawin at tatanungin ko daw siya kung mahal daw niya ako.


Sabi pa niya, parang naggagamitan lang daw kami, hindi raw relasyon ang tawag dun kundi “friends with benefits” daw. Masakit man tanggapin pero ‘yon talaga. Parang multiple choice daw, at the end of the day sa girlfriend pa din siya mapupunta. Ang bi-relationship kasi sabi ng ilan hindi permanente depende na lang sa mga taong involved. Sa loob-loob ko parang tama siya, hindi pa rin ako kumbinsido. Tanggap ko kasi na ganun na talaga. Mahal ko nga kasi. Kung katangahan man ito, pasensya nagmamahal lang po. Then, nagtext na siya. Natuwa ng bahagya. Nagkamustahan. Nasagi sa isip ko ‘yong pinapatanong ni Deyb.


“Mahal mo ba ako?”

“Oo naman. Muah!”

“Mahal mo ba talaga ako?”

“Oo nga, baket?!”


Hanggang sa wala na akong maantay na text mula sa kanya. Minuto din ang lumipas, nagpadaan na siya ng pangkalahatang mensahe.


“.. ikaw kung lage ka na lang madududa. Fine. Ayoko ng ganito, habang maaga pa itigil na natin ‘to! LINTIK NA PAG-IBIG na ‘yan! Grr! C’mon break me up.”


Nanliligid na ‘yong luha ko, dahil hindi ko na gusto ‘yong nababasa ko. Hindi ko alam kung ganun ‘yong mangyayari, sensitib. “Bakit ko pa tinanong ‘yon?!” Ito na lang ‘yong katagang naririnig ng utak ko. Sana hindi ko na lang sinabi. Sana hindi na lang. Hindi naman talaga ako nagdududa, natanong lang. Sinuyo ko sa paraang alam ko. Hanggang sa nagtext ulit
“It’s your fault. Noon pa man halata ko na pinagdududahan mo ako. Ang sakit nun! Alam mob a?! Sakeeet!” Hanggang sa nagtext siyang ulit ng mareplyan ko.

“Hindi ako bobo eh. Halatang halata! Hindi ka naniniwala saken sobrang sakit non! ‘Yoko na, pati pagsali ko sa clan naaapektuhan na. haisstt, pwede hwag kang magtext. Pinapaiyak mo lang ako eh.”


Hanggang sa hindi na siya nagtext. Nabalitaan ko na lang nag-leave na siya at sinasabing hwag daw muna padaanan ng kahit ano. Sa mga oras pa nun, nasa ospital pa ako. Another set of therapy. Tapos yong huli kong nabasang text mula sa kanya ay ganito na.

“Paalam, kalimutan mo na lang ako, kasi sa simula pa lang pinagdududahan mo na ako. How much more ‘pag nagtagal tayo ‘di ba?! Kaya please, forget me now or else hindi na ako babalik ng clan..”Ayoko ng umiyak pero tumutulo na ng kusa. Tinakbuhan pa ako nung nurse ko. Late receiver ako sa mga oras na ‘yon. Naalala ko pa ‘yong huling text ko sa kanya na pag-usapan at ayusin namin ng hindi na magle-leave pero ginawa pa rin niya. At ito na ang pinakahuling mensaheng natanggap ko galing sa kanya na gumimbal sa pagkakahimlay ko.


“You lose me. Tigilan mo na ako. Kasi kung lagi kang magpaparamdam, lagi kong naaalala yong mga doubts mo. Haiist. Pinaiyak mo ako. Pinaiyak mo ako. Grr! …”Saktong napatawag si Deyb sa mga oras na ‘yon. Kinwento ko kay Deyb kong anong nangyari. Tapos nasabi ko din sa kanya ng sana hindi ko na lang sana tinanong ‘yong pinapatong mo sana kami pa din. Tapos sinabi naman niya na hindi na daw siya makikialam. Kinamusta na niya ako, wala na sa topic naming ‘yong relasyon naming ni Zyfreh. Yaman lang din na nasa ospital ako, nasabi ko na ‘yong sakit ko sa kanya. Mapilit kasi. Napahagulhol na siya ng iyak pagkasabi ko. 


Kung bakit ngayon ko lang daw sinabi sa kanya tungkol dito. Hindi ko matiempuhan, busy din kasi siya sa pag-aaral niya. Dagdag alalahanin pa, ayoko naman nung ganun. Iniyakan ako hindi pa naman ako patay. Napangiti na lang ako at tumango. Ang galing ko daw magtago ng nararamdaman, kasi nung umaga lang masaya akong katawagan niya. Nagpaalam na ako’t magpapahinga na.


Nagkatext na lang kami ni Deyb, hindi makatulog dahil inaalala ko pa rin ‘yong nangyari sa’min. kinamusta ko kalagayan ni Zyfreh dahil magkatext sila at sinabi daw ni Zyfreh na hindi niya daw sasabihin sa’kin na magkatext sila dahil mawawalan din daw siya ng kaibigan. Masama daw ang loob niya. Hindi ko na inalam ‘yong pinag-uusapan nila, tapos nagtext si Deyb na bigyan ko daw ng time para mag-isip siya. Maghihintay ako. Ang nakakalungkot hindi ako kinamusta man lang. wala na akong magagawa dun, nakapagbitiw na ng desisyon. Hindi ko na siya itetext pa hangga’t hindi siya ang mauna. Sabi ni Mikorny, Makoi kung tawagin ko.


Hindi ko daw napaghandaan ang bagay na ‘to na mangyayari. Sa lahat kasi ng mga kaclose ko ng clan siya lang ‘yong pinagsasabihan ko ng mg aka-M.U. o karelasyon na. Sa kanya din ako humihingi ng payo sa pag-ibig at tumbok naman lahat ng mga nagging payo niya.

July 30 - August 3. Halos isang linggo ko na siyang inaantay. Ni isang text mula sa kanya – WALA. Nagtatanong tanong ako sa mga alam kong kaclose niya sa clan kung napano na siya. Ang madalas nilang sabihin hindi nila nakakatext si Zyfreh. Naku, suyuin mo na lang. mag-SONA ka kung kinakailangan. Sabi ng kaibigan ko. Tapos nag-poll ako sa mga kaclose ko din sa mga kaclan – “Kung katangahan ba ang paghihintay?!” Magkakaiba sila ng sinasabi. Ngunit ang nakatawag ng pansin ay ‘yong sumagot ng ganito: “ ..itext mo, kamustahin mo kapag hindi nagreply. Move On!”


August 4. Nakapag-isip na ako. Buo na ang desisyon ko at tanggap ko na ang mangyayari ‘pag wala talagang reply. Move on. Madaling sabihin pero mahirap pangatawanan. Naisip ko tuloy kung ano oras ng duty niya. 10pm-6am. Tinext ko.


“Kamusta ka na?! naalala mo pa ba ako. Sige, ingat lagi. -.-” Okay na ba ang mensaheng ‘yan?! Siguro okay na. -.-


August 5. Grineet niya ako. Himala! Kinamusta ko’t sinabing okay lang daw siya at nakapagdesisyon na daw siya. Tapos ganito na ang gumimbal na text mula sa kanya.
“Na we’re not really meant. Hindi tayo bagay : ( iLoveyou BUT when I take the leave many things got worst and worst. There’s someone who deserves you. So, sorry BB : (”


Ewan ko kung ano ang ibig niyang sabihin kung makikipagkalas na o pinagsisihan na niya kung bakit siya nagleave. ‘yan iyong mga naglalarong kataga sa isip ko hanggang hindi ko na naman namalayan na tumutulo na naman ‘yong luha ko. Kung anu-ano na naman ‘yong narereply ko sa kanya. Kung alam niya lang sana na lagi ko siyang inaalala. Nasabi ko din na pinagtanung-tanong ko siya at kinakamusta at ito na ang sumunod.


“I don’t know na lagi mo pala akong naaalala at iniisip. Sorry, mahal naman talaga kita eh. Pero baka nahihibang ka lang saken. Baka napipilitan ka lang na mahalin ako kasi crush kita.”
Nahihibang? Napipilitan? Pinagsasabi nito. Naguluhan ng bahagya. Wawakasan ko na lang at ito na ang naging text ko. “Thank you for the broken heart.”


“Break na tayo : ( ?”, sagot niya.
“bakit? ‘kaw na nga ‘yong nagsabi hindi ba?”. Nalito na ako.
“Sabi ko lang na hindi ako deserving para sa’yo. Pero hindi ko sinabing break na tayo. Magkaiba ‘yon!”


Galit pa yata ang kumag kung bakit nun lang daw ako nagtext sa kanya! Naku kahit ganunpaman, napawi ang luha ko. Bumalik na siya ulit ng clan. Kumpleto na ulit ‘yong araw ko dahil sa pagbabalik niya. Bigla na siyang nagpaalam matutulog na daw. Kasi nag-iba na ‘yong oras ng shift niya – 6am na. Worth pala ang paghihintay ko.



To be Continued .. : )

Vigan City

VIGAN CITY



Vigan City original photo


Vigan City after photoshop edit

The magic of PHOTOSHOP